Medal Features

Lahat ng kailangan mong kunan, i-edit, at i-share ang iyong game clips

Paano gumagana ang Medal

Ang Medal ay higit pa sa isang simpleng screen recorder; ito ay ang app para sa lahat sa PC at mobile na kayang mag-capture, edit, at share ng mga pinaka-magaling na clips mula sa iyong mga laro, tulad ng mga nakikita sa TikTok, Instagram Reels, at YouTube Shorts. Gumagawa man ng game montages, maikling clips, highlight reels, o binibigyang alaala ang mga kalokohan, pinapadali ito ng Medal ng walang lag.


Game Event Detection

Awtomatikong i-record ang clip

Pahintulutan ang auto clipping kapag gustuhing kontrolahin ng Medal ang iyong camera para sa iyo. Ito ay kukuha ng mga partikular na moments na iyong itinakda (pagkapanalo, goal, headshot, atbp.) sa mga laro tulad ng Fortnite, League, Valorant, Dota 2, at marami pang iba, para mas makakatutok ka sa paglalaro.

Game Event Detection

Mag-record ng kahit gaanong kahabang clip

Mahahaba at maiikling clips

Kaya ng Medal na kunan ang eksaktong haba ng clip na iyong kailangan, nagre-record man ng huling ilang segundo o minuto. Maaari mo ring gamitin ang Medal sa pagrecord ng buong laro o session mula sa simula hanggang matapos.

Mag-record ng kahit gaanong kahabang clip

Mas madaling mag-edit

Hindi ba pro na video editor? Hindi yan problema. Mag-trim o mag-edit ng iyong clips gamit lamang ang Medal: magdagdag ng visual effect (tulad ng slow mo at zoom), gifs, trending na mga kanta, memes, captions, at iba pa.

Mas madaling mag-edit

Multi-track audio

Audio options sa pag-edit game, mic, at Discord

Balansehin ang game volume, mic, at Discord bilang iba't-ibang tracks para mapaigi (o mute) ang partikular na audio. Tumatahol na aso? Hindi kailangan. Ang paghiyaw ng buong voice chat? Tiyak.

Multi-track audio

Mag-clip mapasaan man

Pinapadali ng Medal mobile app ang pagdala ng iyong clips kahit saan

AFK? Bio break? Humahawak sa damo? Libre ang pag-sync at share ng iyong clips kahit saan man gamit ang Medal mobile app sa iOS at Android.

Mag-clip mapasaan man

Screenshot

Isang pindutang screenshots

Kaya rin ng Medal na kumuha ng mabilisang screenshot na idagdag sa iyong library at dalhin kahit saan. Hindi na kailangan ang pag crop sa MS Paint, print screen, o ang nakakasindak na kuha ng telepono.

Gumawa ng mahabang PC recording

Nangangailangan ng mas mahaba pa sa isang clip?

Nakakagawa ang Medal ng tradisyunal na "buong" recordings ng iyong game sessions: perpekto sa longplay, base tour, entire match, etc. Maaari mo ring pindutin ang hotkey para magtakda ng bookmarks habang nagrerekord para sa mas madaling pagsangguni. Tulad ng clips at screenshots, ito ay mananatili sa isang library.

Agarang uploads

Ginagawa ng Medal ang pag-upload nang libre

Hindi kinakailangan ang YouTube o ang pag-upload ng "masyadong malaking file size". Hindi kailangang gamitin ng iyong clips ang espasyo sa iyong hard drive; mananatili lang ito sa iyong Medal profile kung saan maaaring i-access (at gumawa ng shareable link) anumang oras.

Madaling pag-share

Gumagawa ang Medal ng link sa iyong clip na maaaring i-share

Hindi kinakailangang mabalisa sa video exports, uploads, at isyu sa formatting. Kumuha ng instant link sa anumang clip na nais i-share sa Discord, social media, o sa group chat lamang.

Cloud storage

Pinadaling video storage

Maaaring buong makakatipid sa disk space ang mga Premium users sa pamamagitan ng paggamit ng Medal cloud para iimbak ang buo nilang library, na-post man o hindi.

Smart library

Isaayos ang iyong clips sa pamamagitan ng laro, petsa, at iba pa

Hanapin ang eksaktong Valorant clip 7 buwan ang nakalipas gamit ang madaling search filters at labels para matumbok sa iyong library.

Privacy controls

Mag-share lamang ng gusto

Nagpo-post man para sa publiko, nagshi-share ng hindi naka-lista o expiring link, o panatilihin ang mga partikular na clips sa iyong library, may kakayahan kang pamahalaan kung gaano ka pampubliko o pribado ang iyong mga clips.

Hindi magdudulot ng lag sa iyong PC

Walang lag at matipid sa resource

Marami kaming nagawang pagbabago para hayaang banayad na tumakbo ang Medal sa background na hindi mo mamamalayan. Gamit ang variable quality controls, mas may kakayahan kang kontrolahin ang kalidad ng iyong recording at storage.

Makakakuha ng views sa iyong clips

I-share ang iyong clips sa Medal para makita

Ang Medal ay may daily top 10 sa bawat laro, at ang mga popular na clips ay nakakakuha ng maramihang views mula sa Medal community. Gumamit ng hashtags para makakuha ng mas marami pang views sa iyong cips kapag naghanap ang mga tao ng #perfectlycutscream

Compatible sa lahat ng PC games

Mag-record ng kahit anong laro sa PC

Gumagana ang Medal sa lahat ng laro na nagbibigay-daan para kumuha ng mga clips mula sa mga pinakapopular na laro hanggang sa mga maliliit na indies. Kung hindi ma-detect ng Medal ang iyong laro (tulad nalang kung bago ito at wala pang nag-clip nito), made-detect ito ng Medal para agad na makunan ito.

Handa nang magsimula sa pag-clip?

Kunin ang Medal ng libre sa PC, iOS, at Android at simulan ang pag-save ng iyong mga laro ngayon!

FAQ

Libre bang gamitin ang Medal?

Oo. Ang Medal ay libreng-libre sa PC at mobile, na may opsyonal na bayad na premium features.

Sinusuportahan ba ng Medal ang console recording?

Kasalukuyang suportado ng Medal ang PC at mobile. Maaari ka ring mag-import ng clips mula sa mga kuha ng console system para i-edit at share.

Sa anong mga laro ba gumagana ang auto clipping?

Suportado ng Medal ang event detection sa Fortnite, Valorant, League of Legends, Apex Legends, Counter-Strike, at marami pang iba!

Ano ba ang specs na kinakailangan para magamit ang Medal?

Ang Medal ay compatible sa lahat ng PCs na tumatakbo sa Windows 10 o mas bago. Gamit ang variable recording settings at cloud storage, kahit ang patatas na PC ay okay 🥔

Ano ba ang mga PC games na maaaring i-clip ng Medal?

Kaya ng Medal na kunan ang kahit anong laro sa PC na iyong ginagamit, at regular na nagdadagdag ng suporta sa mga bagong laro para makapanood ng clips at ayusin base sa laro.

Magdudulot ba ito ng lag sa aking mga laro?

Ang Medal ay sinadyang maging magaan at maaaring ipasadya, na 100-400MB ng RAM lamang ang kinakailangan para sa mga multitasking o low-spec na mga systems.

Ano ba ang kalidad ng video na ginagamit ng Medal para mag-record?

Maaari mong sagarin ang mga pixels sa hanggang sa sinusportahang 4K resolution na sa swabeng 144fps (o mas mababa pa, kung nais).

Ano ba ang dapat kong i-clip gamit ang Medal?

Mag-clip bawat may magbahing, at i-montage ang mga ito. Ito ang layunin ng Medal, pero ginagamit din ito ng iba para mag-clip ng aces, kapalpakan at iba pa.

Support