The Wayback Machine - https://web.archive.org/web/20121016022301/http://tl.wordpress.org:80/

Mabuhay!

Localized version screenshot

Maligayang pagdating sa WordPress! Kasalukyang inaayos ng ClubKoncepto, ang tagapamahalang lokal ng proyekto at walang sawang taga-suporta ng WordPress, ang mga nilalaman ng website na ito.

Mangyaring tignan ang aming kasalukuyang proyekto o sundan ang aming blog sa mga susunod na araw. Maraming salamat!

Panimula

  1. Kunin ang arkibong file at ilagay sa isang walang laman na folder sa iyong PC.
  2. Buksan ang wp-config-sample.php gamit ang iyong paboritong editor at punan lahat ng mga detalye para security keys at koneksyon sa database.
  3. I-save ang file bilang wp-config.php
  4. I-upload lahat ng file sa iyong server o hosting.
  5. Pumunta sa http://iyong-url.ph/wp-admin/install.php sa iyong browser. Mangyaring punan ng mga hinihiling na impormasyon at i-click ang Continue. Kung nagkaroon ng problema? Mangyaring tiyakin na tama ang mga impormasyong nakalagay sa iyong wp-config.php
  6. Tandaan ang hudyat na iyong ginamit sa pagpapatala sa site.
  7. Maaring gamitin sa pagpasok ang bansag at hudyat sa pagpapatala. Pumunta lamang sa http://iyong-url.ph/wp-admin

Para sa iba pang katanungan, mangyaring pumunta sa Opisyal na Talakayan ng WordPress o sa aming opisyal na talakayan para sa lokal na proyekto.

Subukang gamitin! I-download ang WordPress 3.4.2

Blog

WordPress l10n Project (tl_PH)

October 11, 2012

Maligayang pagdating sa WordPress PH Project. Kasalukuyang inaayos ang mga nilalaman ng website para kaayusan ng lahat ng mga lokal na proyekto at sa ikagagalak ng mga gumagamit ng WordPress. Mangyaring sundan lahat ng mga pagbabago, detalye, at mga nagaganap sa lokal ng proyekto ng WordPress sa blog na ito. Maraming salamat!