Mahalaga:
- Para tingnan kung kwalipikado ang pagbili para sa refund, alamin ang tungkol sa mga patakaran sa refund ng Google Play.
- Para tingnan ang status ng kasalukuyang pag-refund, tingnan ang status ng iyong request sa refund.
Puwedeng magbigay ng mga refund ang Google para sa ilang pagbili sa Google Play, depende sa mga patakaran sa refund. Puwede ka ring direktang makipag-ugnayan sa developer.
- Kung may makikita kang pagbili sa Google Play sa iyong card o iba pang paraan ng pagbabayad na hindi mo ginawa at hindi rin ginawa ng sinumang kakilala mo, iulat ang mga hindi awtorisadong bayarin sa loob ng 120 araw mula nang isinagawa ang transaksyon.
- Hindi mapapabilis ng pag-request nang maraming beses para sa parehong transaksyon ang proseso ng refund. Maglaan ng 1–4 na araw para sa desisyon sa refund.
Para sa mga user sa European Economic Area at United Kingdom
Kung nasa European Economic Area o United Kingdom ka at bumili ka noong Marso 28, 2018 o pagkalipas nito, alamin kung paano makakuha ng refund.
Mag-request ng refund
Kung hindi mo makita ang iyong pagbili kapag sinubukan mong mag-request ng refund sa pamamagitan ng link sa itaas, puwede kang mag-request ng refund sa website ng Google Play:
- Pumunta sa play.google.com.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang iyong Larawan sa profile.
- I-click ang Mga pagbabayad at subscription
History ng badyet at order.
- Para sa order na gusto mong ibalik, i-click ang Mag-ulat ng problema.
- Piliin ang opsyong naglalarawan sa iyong sitwasyon.
- Sagutan ang form at isaad na gusto mo ng refund.
- I-click ang Isumite.
- Kung hindi mo makita ang order, posibleng sa ibang Google Account mo ito nabili. Alamin kung paano lumipat ng account.
- Karaniwan kang makakatanggap ng desisyon sa loob ng isang araw pero puwede itong abutin nang apat na araw.
- Para sa mga hardware device: Para magsauli o humingi ng refund para sa mga device na binili mo sa Google Store, pumunta sa page ng mga refund ng Google Store.
Humingi ng suporta mula sa developer ng app
Dapat kang makipag-ugnayan sa developer ng app kung:
- Mayroon kang tanong tungkol sa isang app.
- Gumawa ka ng in-app na pagbili, pero hindi ito naihatid o hindi ito gumagana tulad ng iyong inaasahan.
- Gusto mo ng refund at lampas 48 oras na mula nang bumili ka.
Makakatulong ang developer sa mga isyu sa pagbili at makakapagproseso ng refund alinsunod sa mga patakaran nito at sa mga nalalapat na batas.
Tip: Puwedeng ibahagi sa mga developer ang ilang impormasyong nauugnay sa mga request sa refund.