Kung nagba-buffer, nagla-lag, o hindi nagpe-play nang tama ang iyong pelikula o palabas, makakatulong ang mga solusyon sa pag-troubleshoot na ito sa karamihan ng mga isyu at error sa pag-playback.
Kung hindi pa rin nagpe-play nang tama ang iyong pelikula o palabas, i-play ito sa ibang app o sa ibang device. Alamin kung saan mo puwedeng panoorin ang iyong mga pelikula at palabas.
Ayusin ang mga problema sa pelikula o palabas
- Tiyaking gumagamit ang iyong device ng pinakabagong bersyon ng Google Play Movies & TV
o Google TV app
.
- Isara at buksan ulit ang app.
- I-restart ang iyong device.
- Kapag nag-restart na ang system, i-replay ang iyong pelikula o palabas.
Hakbang 1: Sumubok ng ibang koneksyon sa internet
Palitan ang iyong koneksyon sa internet, pagkatapos ay i-replay ang iyong pelikula o palabas.
- Kung nakakonekta ka sa iyong mobile network: Kumonekta sa Wi-Fi.
- Kung nakakonekta ka sa Wi-Fi: Kumonekta sa iyong mobile network. Batay sa iyong data plan, puwedeng magresulta ang pag-stream o pag-download ng pelikula o palabas sa mga karagdagang singil.
Hakbang 2: I-delete ang cache ng app na ito
- Sa iyong device, buksan ang app na Mga Setting.
- I-tap ang Mga app at notification
Tingnan ang lahat ng app.
- I-tap ang Google Play Movies & TV
o Google TV app
.
- I-tap ang Storage at cache
I-clear ang cache.
- I-replay ang iyong pelikula o palabas.
Hakbang 3: I-download ang iyong pelikula o palabas
- Buksan ang Google Play Movies & TV
o Google TV app
.
- Sa ibaba, i-tap ang Library.
- Piliin ang iyong pelikula o palabas.
- I-tap ang I-download
.
Hakbang 1: Alisin ang pelikula o palabas sa iyong device
- Buksan ang Google Play Movies & TV
o Google TV app
.
- I-tap ang Library.
- Sa kanang bahagi sa ibaba ng pelikula o palabas na hindi nagpe-play nang tama, i-tap ang Check Mark
Alisin.
Hakbang 2: I-clear ang iyong cache
- Sa iyong device, buksan ang app na Mga Setting.
- I-tap ang Mga app at notification
Tingnan ang lahat ng app.
- I-tap ang Google Play Movies & TV
o Google TV app
.
- I-tap ang Storage at cache
I-clear ang cache.
Hakbang 3: Subukang mag-download ulit
- Buksan ang Google Play Movies & TV
o Google TV app
.
- I-tap ang Library.
- Sa kanang bahagi sa ibaba ng pelikula o palabas na gusto mong panoorin, i-tap ang I-download
.
Ayusin ang mga problema kapag na-stuck ang iyong pelikula o palabas
Sa timeline ng pelikula o palabas, mag-fast forward sa susunod na ilang eksena para malaman kung nagpe-play na ito ulit nang normal.
Ayusin ang mga problema sa pelikula o palabas sa iyong TV
- Sa iyong remote, pindutin ang button ng home.
- Buksan ulit ang Google Play Movies & TV
.
- I-replay ang iyong pelikula o palabas.
- Buksan ang Google Play Movies & TV
.
- Piliin ang Mga Setting
Mag-sign out.
- Bumalik sa Mga Setting at piliin ang Mag-sign in.
- Baka kailanganin mong maglagay ng code.
- I-replay ang iyong pelikula o palabas.
- Pumunta sa Aking Mga Channel.
- I-highlight ang Google Play Movies & TV.
- Sa iyong remote, pindutin ang button na star
Alisin.
- I-install ulit ang app mula sa Channel Store.
- I-replay ang iyong pelikula o palabas.
- Gumamit ng ethernet cable para ikonekta ang iyong device sa internet.
- Baguhin ang iyong mga setting ng koneksyon para gumamit ng wired na koneksyon sa halip na Wi-Fi.
- I-replay ang iyong pelikula o palabas.
- Pumunta sa menu ng Mga Setting ng Roku device.
- Piliin ang Pag-update ng system.
- Kung may available na update, sundin ang mga tagubilin sa screen para i-update ang system.
- I-replay ang iyong pelikula o palabas.
Suriin ang iyong koneksyon sa internet
- Buksan ang Google Play Movies & TV
.
- Piliin ang I-verify ang iyong mga setting ng network
Wi-Fi.
- Kung hindi mo nakikita ang "I-verify ang iyong mga setting ng network" sa app: Sa iyong device, pumunta sa Mga Setting. Piliin ang Network
Wi-Fi.
- Kung hindi mo nakikita ang "I-verify ang iyong mga setting ng network" sa app: Sa iyong device, pumunta sa Mga Setting. Piliin ang Network
- Pumili ng network at sundin ang mga tagubilin sa screen para kumonekta.
- Bumalik sa app at i-replay ang iyong pelikula o palabas.
Tiyaking up to date ang iyong system
- Sa iyong device, pumunta sa Mga Setting.
- Piliin ang Tungkol Dito
Pag-update ng system
Tingnan ngayon.
- Kung may available na update, i-install ito.
- I-replay ang iyong pelikula o palabas.
Magpadala ng feedback
Puwede kang magsumite ng feedback tungkol sa mga isyung nararanasan mo sa mga pelikula at palabas.
Humiling ng refund
Kung hindi nagpe-play nang tama ang iyong pelikula o palabas, posibleng kwalipikado ka para sa refund. Alamin kung paano humiling ng refund.